Dentista inisahan ng salisi gang

NAGTUNGO sa himpilan ng pulisya ang isang dentista makaraang mabiktima ng salisi gang sa isang restaurant sa Quezon City, iniulat Lunes, Hunyo 27.

Kinilala ang biktima na si Dr. Jennifer Cardenas, 37, ng Marikina City.

Natangay kay Cardenas ang isang Nine West bag na naglalaman ng Blackberry (P18,000); Iphone, P20,000; P5,000 cash; Playstation Portable, P12,000; gold earrings, P20,000, credit cards at susi.

Sinabi ng biktima na tatlong kalalakihan ang sangkot sa pagnanakaw ng kanyang bag habang sila ay kumakain ng kanyang pamilya sa sangay ng Shakeys restaurant sa Katipunan Avenue, Barangay Loyola Heights, ala-1:15 ng hapon.

Sinasabing habang kumakain ang pamilya Cardenas ay inilapag ng biktima ang kanyang bag sa katabing upuan.

Ilang minuto pa ay napuna na niya umano ang mga suspek nang okupahan ang isang mesa na katabi nila na posibleng kumuha ng kanyang bag.

Patuloy naman sa pagsisiyasat ang pulisya sa nasabing insidente at para sa agarang pagkadakip ng mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply