Dentista hinoldap sa sariling klinika

SUMALAKAY na naman ang salaring nanghoholdap at nanghahalay ng mga dentista sa Santo Kristo, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nabatid na nagpanggap ang isa sa mga suspek na kliyente at nagtago sa pangalang Alex Galang. Nagpalinis umano ito ng ngipin at saka nagdeklara ng holdap.

Base pa sa ulat, tinutukan ng baril ang dentista at ang sekretarya nito.

Binusalan ang bibig ng sekretarya at saka ikinulong sa comfort room samantalang ang dentista na itinago sa pangalang Dra. Garcia ay iginapos sa kanyang dental chair.

Gagahasain na sana ito subalit naunsiyami ito ng malamang may buwanang dalaw ang doktora.

Nakuha ang mga cellphone at salapi ng mga biktima na nagkakahalaga ng P25,000.

Matatandaang ito na ang ikalimang biktima ng mga salarin sa loob lamang ng dalawang linggo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply