DepEd suportado ang science at math teachers

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si AGHAM Partylist Rep.  Angelo B. Palmones  kay Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro hinggil sa suporta sa kanyang panukalang batas na nagbibigay pahintulot sa mga nagtapos ng science courses  upang makapagturo sa science at mathematics subjects sa elementarya at high schools.

Ayon kay Palmones, ang House Bill No. 3479 o ang tinatawag na  “An Act Allowing Graduates in Science,  Mathematics, Statistics and Engineering Courses to Teach Science and Mathematics at the Elementary and Secondary Levels of 2010” ay tutugon sa kakulangan ng mga kwalipikadong teachers sa science at math, partikular sa mga pampublikong paaralan.

Bilang karagdagang mga probisyon sa naturang panukala,  iminungkahi ni Sec. Luistro ang pagpapabilis sa pagsasanay ng  science graduates sa pamamagitan ng isang programa na ide-develop ng DepEd kapag napili ang isang new science graduates  na maging isang full-time teacher.

“At present, teacher education institutions are not producing enough supply of teachers with specialization in these subjects.  This is not an isolated case though because even developed countries in the US and Europe experience the shortage of qualified science and math  teachers,”  giit ni Palmones.

Idinagdag pa ng mambabatas na sa ganitong paraan, mapipigilan ang paglabas ng bansa o pag-a-abroad  ng mga kwalipikadong teachers katumbas ng mga trabahong mas mataas ang sahod.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Palmones  na ang concerned teachers ay mangangailangan ng 18 units para sa  professional education sa ilalim ng isang  scholarship grant o sasailalim sa pagsasanay na bubuuin ng DepEd upang maging kwalipikado para sa licensure examination  sa loob ng 2 taon kapag napili na makapagturo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply