Derby Ace kontra Rain Or Shine sa Tacloban City

ITATABOY ng Derby Ace Llamados at ng Rain Or Shine Elasto Painters ang anumang sama ng panahon na nagbabanta sa Kabisayaan sa out of town inaugural match ng PBA Governor’s Cup na gaganapin sa Tacloban City (Leyte) Biyernes ng Hapon, Hunyo 10.

Ang Derby Ace Llamados ay nanatiling matatag at lalo pang pasisiglahin sa pagsanib ni Joe Devance at ng kanilang import na Stephon Hannah laban sa tropa ni second conference coach Yeng Guiao.

Ipagtatanggol naman ng Tropang Texters ni coach Chot Reyes ang kanilang korona habang maghahangad sa titulo ang mga ambisyosong B-Meg Derby Ace, Barangay Ginebra, Alaska Milk Aces at ang bagong lahok na Petron Blaze.

Magkakasubukan naman sa Astrodome sa Linggo, Hunyo 12, sa unanag pagsalang ng Petron Blaze laban sa Meralco Bolts na susundan ng laro ng crowd darlings Ginebra San Miguel at Powerade Tigers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply