Desisyon ni PNoy sa Marcos burial nakabitin pa

UMATRAS ang Malakanyang na isapubliko ang desisyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kaugnay sa  rekomendasyon ni Bise Presidente Jejomar Binay na ilibing sa Ilocos Norte at bigyan ng military honors si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na iyon ay dahil hinihintay pa nila ang kapasyahan ng Pangulo ukol sa nasabing usapin.

Kailangan aniyang pag-aralang mabuti ang nabanggit na rekomendasyon, na mismong ang Punong Ehekutibo ang maghahayag sa publiko.

Posibleng i-anunsyo aniya ngayon o bukas ang desisyon ng Punong Ehekutibo sa isyung ito.

Nakiusap naman ang Malakanyang sa mga kritiko nito na huwag munang husgahan ang anumang magiging desisyon ukol sa paglilibing kay Marcos.

Dapat lamang aniyang hintayin muna ng lahat kung aaprubahan nga ng Pangulo ang rekomendasyon ni Binay.

Ngayon pa lamang, umaalma na ang mga biktima ng human rights violations sa ilalim ng Marcos administration, katulad ni CHR chairperson Eta Rosales. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply