Devanadera kinasuhan sa Sandiganbayan

KINASUHAN ng walong bilang ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan si dating Justice Secretary Agnes Devanadera dahil sa umano’y iligal na pagpabor sa pagkakaloob ng allowances para sa kanyang sarili at sa kanyang mga tauhan noong  2007 habang nagsisilbi pa bilang government corporate counsel.

Kasama sa kinasuhan ng walong bilang ng kasong katiwalian ng Tanggpan ng Ombudsman sa Sandiganbayan sina assistant government corporate counsel Jose Marie Capili at dating accountant na si Divina Gracia F. Cruz, habang dalawang bilang naman ng kasong graft at malversation si head executive assistant Rolando B. Faller.

Pinayagan ng graft court na makapagpiyansa sina Devanadera, Capili at Cruz ng P280,000 habang P140,000 naman para kay Faller.

Handa umano ang government auditors na sina Rosalinda Albania, Lourdes B. Lim at Sylvia S. Sagge  na tumestigo at patunayan na ang mga kinasuhan ay nagsabwatan noong Pebrero 2007 para tumanggap si Devanadera ng P100,000 allowance at  P30,000 kay  Faller  na wala sa special assessment fee na naiulat ng Government Service Insurance System.

Sinasabing ang naturang pondo umano ay pambili ng mga reading materials pero hindi binili nina Devanadera at Faller.

Sa record, ang naturang pondo ay naipasok ni Devanadera sa kanyang account sa  Land Bank na may check number 244-536369-6 noong Pebrero 13, 2007 habang ang kay  Faller ay na-encash sa bangko sa nasabi ring araw.

Bukod dito, kinuwestyon din si Devanadera kung bakit mayroon P500,000 at si Faller ay P200,000  bilang attorneys’ fees  labas pa sa special assessment fees mula sa GSIS noong Enero  23, 2007.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply