DFA, di nababahala sa travel alert ng US laban sa PH

HINDI nababahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglalagay ng Estados Unidos (US) ng travel alert laban sa Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Cornejos, normal sa mga diplomatic na bansa tulad ng United States at anumang bansa na magbigay ng travel advisory kung mayroong problema sa isang partikular na bansa lalo na’t kung mayroon naman itong kaugnayan sa usaping terorismo.

Gayunpaman sinabi ni Cornejos na gumagawa na ng paraan ang Pilipinas sa pamamagitan ng law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police (PNP) upang matugunan ang mga problemang may kaugnayan sa terorismo nang maiwasan ang mga ganitong travel advisory.

Natural din aniya na bigyan ng proteksyon ng US government ang kanilang bansa at anumang bansa kapag may nakikita silang terrorism threats sa mga bansang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply