DFA lang ang pagsasalitain sa Spratly issue

KINASTIGO ng isang dating senador ang kabila-kabilang pahayag na kung minsan hindi nagkakatugma ng administrasyon hinggil sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas partikular ang kinakamkam na Spratly Islands.

Ayon kay dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., dapat isang ahensiya lamang sa administrasyon ang magsasalita sa umiinit na sigalot sa Spratly upang hindi sumalungat ang opisyal na pahayag ng gobyerno sa isyu.

“There should be only one government agency that should speak on the Spratlys issue. That’s the Department of Foreign Affairs acting on behalf of the administration,”  giit ni Pimentel.

Aniya, hindi dapat antagonismong pahayag ang ipinaiiral ng administrasyon dahil may mainit na relasyon naman ang ating bansa sa mga naghahabol sa Spratly partikular ang China kaya hindi nararapat na iritahin ang kabila.

“While the Armed Forces of the Philippines is expected to put up a brave front and can say that it would do everything within its capability to defend Philippine territory from any form of foreign aggression, it should refrain from making any provocative statements that could antagonize any of the claimants, including China,” dagdag ni Pimentel.

Iginiit pa ni Pimentel na dapat bitiwan ng AFP ang kuwestiyong pulitikal sa DFA tulad ng isyu sa Spratly at hayaan na lamang ang DFA na magpaliwanag sa posisyon ng gobyerno sa anumang aspeto ng isyu.

“It doesn’t help our claim over the contested islets if statements coming from the AFP or any other government entity would only stir up heated rhetoric instead of calm reason,” ayon kay Pimentel.

Kinabibilangan ang Spratly Islands ng mahigit 700 reefs, islet, atoll, cays at isla sa South China Sea o Western Philippine Sea. Umaabot sa mahigit four square kilometer na land area na nakakalat sa mahigit 425,000 square kilometer ng karagatan.

Bukod sa Pilipinas, hinahabol din ito ng  China, Vietnam at Malaysia, na mayaman sa laman dagat tulad ng isda at mayroon ding reserbang langis at natural gas deposits.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply