Di bale nang magutom at mamatay ang binabaha?

WALA yata sa hulma ang pagpunta ni PNoy sa Cotabato at iba pang lugar na sinasalanta ng bagyo, ulan at baha.

Wala siyang bitbit na anoman kundi ang salawal niya.

Makaraang maikutan niya ang mga binabahang lugar, op kors, pumunta siya sa evacuation center para makita ang mga sinardinas at nagugutom na biktima ng kalamidad.

Pero dahil wala ni isa siyang bitbit na kahit panlimos lamang, ang relief goods na ipinamamahagi na ng pamahalaang lokal ang ipinagbibigay niya.

Isang kilong bigas, isang lata ng sardinas at ilang pirasong nudels.

Makaraan siyang lumayas o umalis at lumipad palayo, nagsuntukan na ang mga tao sa pag-aagawan sa kakarampot na relief goods.

Ito ang malungkot na kuwento, Suki, ng mga nakasaksi sa pangyayari.

Totoo man o hindi ang kuwentong ito, ang masasabi lang natin ay walang baha kung walang ulan, este, walang usok kung walang apoy.

oOo

Nang nakauwi na si PNoy sa lugar ng panggagahasa at pambubugaw, este, Bahay Pangarap, lumitaw naman si Manang Dinky Soliman sa media.

Kung hindi ako nagkamali sa pagdinig sa kanya,  nagpaliwanag si Manang Dinky ukol sa pangyayari.

Tila galit yata si PNoy sa pagkakawaldas ng malalaking halaga ng salapi sa mga proyektong laban sa baha kaya nagkandabaha-baha sa lugar at nagkandagutom-gutom at nagkakandamatay ang mga tagaroon.

Kaya hindi basta nagbitbit si PNoy ng salapi at lalong hindi siya nagpamahagi ng salapi na panggastos ng kanyang mga opisyal sa lugar.

Pero wala siya sa hulma dahil hindi ang sermon sa mga korap ang dapat na inuna kundi ang pagkalinga sa mga kinakalamidad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply