Diborsyo tablado kay Pangulong Noynoy

TABLADO kay Pangulong Benigno Aquino III ang isinusulong ng ilang mambabatas na panukalang pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Binigyan-diin ni Pangulong Aquino na walang maaasahan na suporta o ayuda mula sa kanyang administrasyon dahil hindi kabilang ang diborsyo sa mga sinertipikahan na priority measures ng Malakanyang.

Anang Pangulo, kasalukuyan na pinagkaka-abalahan ng kanyang administrasyon ang mga suportadong panukalang batas at hindi nito pag-aaksayahan ng gobyerno na makisali pa sa debate sa nabanggit na isyu.

“Ang pangako ko kasi job generation, education, health, judicial reform, and we are doing all of that already. The responsible parenthood bills, with the ability of the state to help all these families… yung divorce I think is not a priority at this time,” deklara ni Pangulong Aquino.

Aniya, kailangan na unahin ng kanyang administrasyon na ibuhos ang lahat ng oras sa mga isinusulong na priority bills kaysa makisawsaw pa sa usapin ng diborsyo na hindi naman suportado ng Palasyo.

“Ayokong padaliin yung proseso na ang impression ay katulad na nga ng lahat sa Las Vegas–kasal ka sa umaga, puwedeng ma-divorce ka sa hapon. Napaka-importante ang pamilya na dapat ma-address ang lahat ng concerns,” paliwanag pa ng Chief Executive.

Subalit, batid naman ni PNoy na mayroong mga mag-asawa na nagkahiwalay at imposible nang maayos problema upang muling magkabalikan.

“There has to be a way out where they are able to regain the right to marry but they have to go through a very exhaustive process that will give them stuffs to rethink whether or not they want to dissolve the family,” dagdag ng Punong Ehekutibo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply