Dinky, inutil sa 250,000 batang palaboy

NAKALULUNGKOT ang estadistika ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa mahigit 250,000 ang batang palaboy sa buong bansa sa kabila ng maraming batas na dapat ipatupad ng gobyerno upang pangalagaan ang menor de edad.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, lubhang nakapanlulumo ang datos ng DSWD dahil maraming umiiral na batas ang dapat ipatupad ng ahensiya upang protektahan ang kagalingan at karapatan ng Kabataan, ngunit kailangan pang muling magpanukala ng panibagong batas upang magtayo ng crisis center para sa street kids.

“It is lamentable that while we have several laws that protect the rights and  welfare of Filipino children in general, we have yet to pass a measure that would address the needs of street children and take them off the streets where their lives and future are in danger,” giit ng senador.

Dahil dito, isinulong ni Legarda ang pagsasabatas ng panukala na naglalayong magtayo ng crisis center para sa street children sa buong bansa dahil tila hindi nagagampanan ng DSWD ang tungkulin nito na kalingain ang mahigit 250,000 batang palaboy sa lansangan.

Sa ilalim ng Senate Bill 1438, layunin nito na magtayo ng crisis center sa bawat lungsod o munisipyo na magpapatupad ng kumprehensibong programa na magbibigay ng iba’t ibang serbisyo tulad ng pansamantalang tirahan, emergency medical at feeding program at basic education sa batang lansangan.

“There is definitely no clear and decent future for these young citizens if they will remain in the streets. We must seek ways to provide them with the means to uplift their conditions and take them out of the streets through programs that will equip them with livelihood, technical and social skills,” paliwanag niya.

Ayon sa senador, lubhang apektado ng naturang pangyayari ang kinabukasan ng bansa dahil hindi napapangalagaan ang kabataan sa kabila nang sapat na batas at pondong inilalaan ng gobyerno sa kanilang kagalingan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply