Dinukot na engineer sa Basilan nailigtas na

NAILIGTAS na ng mga sundalo ang engineer na dinukot ng mga hindi pa nakilalang lalaki sa Basilan, Linggo ng umaga.

Ayon kay Col. Alexander Macario, commander ng Special Operations Task Force, alas-9:00 ng umaga nang mailigtas ng kanilang tropa si Engr. Virgilio Fernandez, 59-anyos.

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Special Forces at Scout Ranger ang pinagtaguan sa biktima sa Barangay Magcawa, bayan ng Albarka.

Wala naman anyang naganap na palitan ng putok sa pagliligtas sa biktima subalit nabigo ang mga ito na masakote ang mga kidnaper.

Sinabi ni Macario na bagaman namumutla si Fernandez ay nasa mabuti na itong kalagayan.

Si Fernandez na project engineer ng MACE company ay dinukot ng apat katao sa Sitio Libi, Brgy. Bulanting sa Lamitan City at dinala sa Brgy. Cadayan sa bayan ng Al Barka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply