Diokno kinasuhan ng INC sa Ombudsman

NAGSAMPA ang mahigit 2,000 miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC),  ng kasong kriminal sa Ombudsman laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Ernesto Diokno at dalawa pang opisyal ng tanggapan na sina Supt. Richard Swarchok at Fr. Robert Ulager.

Giit ng mga presong INC, nilabag ni Diokno at kasamahan ang Republic Act (RA) 3019 o ang Anti-Graft Corrupt Practices Act na nang hindi sila pinayagang makapagsagawa ng worship service sa loob ng NBP.

Batay sa sworn affidavit ng INC prisoners, nilabag umano ni Diokno ang kanilang karapatan na makapagsagawa ng worship service ang kanilang ministro.

Una na silang pinagbawalan  noong mga petsang Mayo 1, 5, 7 at 8 nitong taon na makapagsagawa sana ng scheduled service sa mga kasamahan.

Sinasabing pinagbawalan umano sila ng mga jail guards dahil sa pagbabago sa visiting hours na inilabas mula sa opisyal ng tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply