Diplomasya ang dapat pairalin ng PH sa China

DAPAT umanong isang diplomatikong paraan ang pairalin bansa sa pakikipag-ugnayan sa China hinggil sa usapin sa Spratly Islands.

Ang pamamaraan ay iminungkahi ngayon ni Press Secretary Sonny Coloma matapos mag-release kamakailan ng statement si Chinese Amabassador Liu Jinchao, na huwag nang mag-interes ang bansa sa Spratlys, dahil kanila aniya ito.

Ayon kay Coloma dapat ay magkaroon ng mapayapang solusyon sa pag-aagawan sa nasabing pulo, at yun rin ang sinabi ng pangulo ng Brunei, Indonesia at iba pang mga bansa sa Asya na pwang mga claimant ng nasabing pulo.

Dapat mag-initiate ang bansa upang mapag-usapan ito sa ASEAN kasama ang ibang bansa na may hinaing din sa Tsina. Bukod pa rito naniniwala si Coloma na nagpahayag lamang ng saloobin ang ambassador ng Tsina, at nilahad lamang nito ang kaniyang posisyon sa nasabing isyu.

Ani Coloma, pinakamalayo ang China sa lahat ng bansang umaangkin sa Spratly Island. Nirerespeto naman aniya ng bansa ang saloobin nito dahil isa itong kaibigan ng bansa.

Sinabi rin ni Coloma, mayroon naman mga diplomatikong paraan at batas hinggil sa pag-aari sa Spratly Island gaya ng Law of the Sea, mas magandang pag-usapan ito ng di na kailangan pang magbanta.

Samantala, ayon naman kay Congressman Rodolfo Biazon, bilang dating Armed Forces of the Philippines ( AFP) Chief of Staff, sinabi nitong hindi makatutulong ang paghahamon ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Biazon, mayroong dalawang “peaceful mechanisms” na dapat tutukan ng bansa. Hindi maganda ang pagsagot sa hamon at paglaban pabalik sa Chinese government. Dagdag nito, mayroong Code of Conduct kung saan pumirma ang 11 bansa kasama ang China.

Sinabi ng mambabatas na dapat ay mag-convene ang 11 bansa at doon pag-usapan ang nasabing isyu. Bukod dito, pumirma rin ang China sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Dapat aniya’y idulog ng Pilipinas sa ASEAN ang isyu upang doon mapag-usapan ang naging response ng China at pang-haharass nito sa oil exploration expeditions ng ibang bansa. At hindi na dapat patulan ng bansa ang pag-aamok ng China dahil hindi ito etikal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply