Direk Carlo J. Caparas, binabawian ng National Artist award?

ANG may-akda ng “Matatalim ng Pangil sa Gubat” na si Direktor Carlo J. Caparas ang iprinisinta sa formal na launching nito bilang bagong soap opera ng TV5  (pagkatapos ng Wil Time Bigtime) maliban sa dalawang director nito na sina Topel Lee at Robert Quebral.

Bilang bagong soap opera sa TV5 Primetime Panalo, kasama rito ang mga bidang artista tulad nina Danita Paner, Oyo Sotto, Wendy Valdez, Yul Servo, Katherine Luna, Bayani Agbayani, Marissa Sanchez, Danny Javier, Tessie Tomas at ang binatang anak mismo ni Direk Caparas na si CJ Caparas bilang Falcon.

Mula ito sa sikat na panulat  ni Direk Caparas sa komiks at ipinakilala sa serye ang iba’t ibang karakter sa pangunguna ni Bangis na siyang adapted title para sa naturang komiks series on the TV screen. Si Bangis ay isang higante ngunit maliksi at mapagmahal na hayop ng lumang panahon.

Pinagbibidahan ito ni Oyo Sotto bilang Leon, isang kilalang mangangaso na napadpad sa Sitio Talim upang hulihin ang isang dambuhalang buwaya na nagdadala ng takot sa nayon. Dito niya makikilala ang karakter ni Danita Paner na si Maya, isang environmentalist na tutol sa mga ginagawa ni Leon.

Ipinakilala rin ng serye ang mga batang cast na sina BJ Go bilang si Eboy, ang kalaro at best friend ni Bangis, si Gerald Pesigan bilang Bakting, ang palaaway na bata sa sitio.

Sa open forum ay tinanong ng katotong si Morley Alinio kung ano ang naging reaksyon ni Direk Caparas sa “pagbawi” sa kanya ng naigawad na National Artist for Film and Visual Arts  sa administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo. Medyo na-jar nang konti si Direk Caparas sa tanong, pero he kept his cool just the same.

Matatandaan na medyo naging kontrobersyal ang nasabing award, pero ang naging suma total ay wala naman talagang bawian na nangyari dahil nga Presidential Discretion ang nasabing award. At may precedent na ang nasabing award tulad ng pagbigay ng naturang award sa yumaong na si Dr. Alejandro Roces bilang National Artist for Literature.

Tulad ni Direk Caparas, ang National Artist Award ni Dr. Roces ay naigawad under a Presidential Discretion na hindi pwedeng kwestyunin o babawiin ng mga detractor.

Ito bale ang naging explanation ni Direk Caparas. Nasa kanya pa rin ang award at kampante niya itong naipaliwanag sa lahat na walang bahid ng pagmamalaki o katiting na galit.

Akala nga namin ay mago-over-react si Direk Caparas dahil placed on the hot seat siya sa nasabing tanong. In any case, tuloy ang labas ng Bangis sa Hulyo 4 na isang co-production venture ng TV5 at Double Vision.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply