Diskwento sa mga batang kapus-palad aprub na

NAKALUSOT na sa Kongreso ang 4373 o ang “Underprivileged Post-Secondary and Tertiary House Bill Students’ Discount Act of 2011.”

Sinabi ni Marikina Representative Marcelino Teodoro na layon ng naturang panukala na mabigyan ng limang porsiyentong diskwento ang mga kapus-palad na mag-aaral lalo pa at napakahirap sa panahon ngayon ang pagpapaaral.

Kasabay nito, nilinaw ni Teodoro na ang naturang diskwento ng mga estudyante ay di lamang sa loob ng eskwelahan kundi maging ang bayarin sa pagkain, pagpapagamot at iba pa tulad ng tinatamasang prebilehiyo ng mga senior citizen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply