Divorce bill handang suportahan ni Escudero

HANDA si Sen. Francis Escudero na suportahan ang divorce bill, na ngayon ay sinisimulan nang talakayin sa Kamara de Representantes.

Pero may kondisyon si Escudero sa posibleng pagsuporta sa panukalang magkaroon na ng batas ukol sa diborsyo sa bansa.

Ayon sa senador, magiging bukas lang siya sa panukalang diborsyo kung ang layunin nito ay mas maging accessible at affordable sa lahat ang proseso ng divorce.

Aniya sa ngayon, ang umiiral na batas ukol sa annulment ay mayayaman lang ang may kakayahang magpa-annul dahil sa sobrang laki ng gastos.

Gayunpaman, kahit bukas sa panukalang diborsyo si Escudero, wala umano siyang plano na i-file ng  Divorce bill sa  mataas na kapulungan ng Kongreso

Matatandaang si Escudero ay napapabalitang hiwalay na ngayon sa kanyang asawa na si Christine, ngunit nananatiling tikom ang bibig ng senador sa isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply