‘Dodong’ nakalabas na ng bansa; Luzon mananatiling maulan

MANANATILING maulan ang ilang bahagi ng Luzon sa kahit na tuluyang nakalabas na ng bansa ang bagyong “Dodong,”ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Nakalabas man si Dodong sa Philippine area of responsibility, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa Luzon dahil sa umiiral na hanging habagat na pinag-iibayo ni Dodong.

Huling namataan si Dodong sa layong 330 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag City kaninang alas-diyes ng umaga (Hunyo 10).

Taglay ni Dodong ang lakas ng hangin na 65 kilometer per hour malapit sa gitna at may kasamang pabugso-bugsong hangin na umaabot sa 80 kilometer per hour.

Ang bagyo ay patungong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometer per hour.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply