DOH: Junk foods, palamig dapat iwasan

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na huwag bigyan ng mga junk food o tsitsirya at mga palamig ang kanilang mga anak dahil sa posibleng panganib na taglay nito para sa kanilang kalusugan.

Babala ni Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, ang mga junk foods ay maaaring nagtataglay ng Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP) habang ang palamig naman ay posibleng may magic sugar.

Ayon kay Tayag, nais lamang ng DOH na matiyak na ligtas ang mga bata mula sa mga pagkaing nagtataglay ng mga mapanganib na kemikal.

Kaugnay nito, hinikayat ni Tayag ang mga magulang na magluto ng mga masustansyang pagkain upang ipabaon sa kanilang mga anak upang hindi na bumili ang mga ito ng junk foods at  palamig sa mga vendor sa labas ng eskwelahan.

Ang DEHP ay isang uri ng “plasticizer” na posibleng makaapekto sa reproductive system o magresulta sa pagkabaog habang ang “magic sugar” naman ay isang artificial sweetener na maaaring makapagdulot ng iba’t-ibang sakit tulad ng cancer.

Ipinag-utos pa lamang ng Food and Drugs Administration (FDA) kamakailan ang pagbawi sa may 66 “food products” mula sa Taiwan na pinaniniwalaang kontaminado ng DEHP.

Noong Agosto 2000, una ng ipinagbawal ng FDA, na noon ay Bureau of Food and Drugs (BFAD) pa, ang paggamit ng magic sugar dahil sa pagiging carcinogenic nito.

“Neotogen or magic sugar is not registered with the BFAD. As such, the importation, distribution or sale of the product is illegal and subject to sanctions and penalties stipulated in the Foods, Drugs, Devices, and Cosmetics Act,” nakasaad sa dating advisory na inilabas ng BFAD. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply