DOJ, kinalampag vs black coral smuggler

KINALAMPAG ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na tila mabagal na maghahain ng kaso laban sa mag-asawang Chinese na nagpupuslit ng black coral.

Ayon pa kay Zubiri, itutuloy ng Senado ang imbestigasyon habang sinasampahan ng kasong kriminal ang mag-asawang Li Yu Ming, alyas Joe Pring,  at Olivia Lim Li na tumakas ng bansa patungong Hong Kong bago madakip ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA)

“Nais natin malaman ang update mula sa DOJ at NBI sa isinampang kaso laban sa mga suspek, kabilang ang report mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad sa seguridad ng yaman-dagat kabilang ang PNP-Martime Police, Philippine Coast Guard at iba pa,” ayon kay Zubiri.

Ayon pa kay Zubiri, itutuloy ang imbestigasyon kahit nakatakas ng bansa ang mag-asawang Li na pinaghihinalaang utak ng black coral smuggling sa bansa na kapwa ipinaaresto ng Senado matapos mabigong dumalo sa pagdinig.

Matatandaan na ang mag-asawang Li ang itinuturong utak ng pagpupuslit ng mahigit P35 millyong halaga ng black coral at iba pang endangered marine species mula Zamboanga at Cebu patungong Maynila.

“Itutuloy po natin ang imbestigasyon sa unang linggo ng Hulyo,” ayon kay Zubiri.

Inihayag pa ni Zubiri na naihain na ng DOJ ang extradition request kay Joe Pring upang harapin ang kaso sa bansa habang nakikipag-ugnayan naman ang awtoridad sa International Police (Interpol) upang madakip ang asawa nitong si Olivia na hinihinalang nagtago sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply