DOJ sec: ‘Media hungry’ si De Lima

NADAGDAGAN pa ang mga tumutuligsa sa resulta ng isinagawang reinvestigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa Vizconde Massacre case.

Iyan ay sa katauhan ni dating Justice Secretary Raul Gonzales na pinuna ang umano’y pagiging media hungry ni Justice Secretary Leila de Lima nang i-anunsyo nito sa isang pulong balitaan ang resulta ng reinvestigation.

Maging si Gonzales ay naniniwala na maaari ito ang maging batayan ng disbarment case laban kay de Lima.

Ayon kay Gonzales, tila isinasalang na ni De Lima si Hubert Webb sa tinatawag na “trial by publicity” sa kabila ng pinal na desisyin ng Korte Suprema na nag-aabswelto kay Webb at sa anim na iba pang akusado sa nasabing kaso.

Maaari umanong ihain ang disbarment case sa Korte Suprema o sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Posible umanong imbestigahan ng Committee on Bar Discipline ng IBP si de Lima kung siya ay nakagawa ng pagkakamali. Kapag napatunayang sapat ang mga ebidensya laban sa kanya, maari siyang pagmultahin, suspindihin o kaya’y maalis sa pagiging abugado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply