DOLE website na-hack

ISANG government website na naman ang na-hack o napakialaman ng mga hindi awtorisadong tao nang matagpuang napakialaman ang mga datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Now dole.gov.ph is vulnerable To SQL injection,” ayon sa nagpakilalang hacker na si “No.One.”

Kamakailan lamang, na-hack din ang ibang government websites katulad ng Bureau of Customs (BoC), Department of Trade and Industry (DTI) at iba pa.

Nangangamba naman ang ilang information Technology (IT) professionals sa nangyayaring hacking sa mga website sa Pilipinas.

Anila, kailangan magkaroon ng magandang security features ang mga ito, lalong lalo na at maraming datos ng mamamayang Pilipino ang nakaimbak dito.

Patuloy namang pinag-aaralan ng isang ahensiya ng pamahalaan kung papaano malulutas ang mga insidente ng pangha-hack.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply