Kalihim ng DOTC nagbitiw na sa pwesto

NAGHAIN na ng resignation si Transportation Secretary Jose “Ping” de Jesus na personal na ibinigay kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na epektibo sa  June 30, 2011.

Ito ang kinumpirma ni DOTC spokesman at Undersecretary Dante Velasco ngayon, Miyerkules, Hunyo 1, ngunit hindi binanggit ang dahilan sa nasabing pagbibitiw ng kalihim.

“Ang resignation letter niya naibigay kay Pangulong Aquino Monday afternoon, ngayon ko lang nalaman, ayon kay Velasco sa isang interview.

Samantala, sinabi ni Velasco na walang nakikitang dahilan ang mga tauhan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) para magbitiw si De Jesus.

Sinabi ni Velasco na kung dedikasyon lamang umano sa trabaho ang pag-uusapan, wala aniyang maipipintas sa kalihim at wala rin aniyang kuwestyon sa kalusugan ng opisyal.

Aminado naman si Velasco na marami ang nasorpresa sa kanilang kagawaran sa kumalat na report hinggil sa resignation ni De Jesus. “If he has to resign, we’ll ask him why. But we have no perceived reason why he should resign,” ayon sa opisyal.

Batay sa ulat, sinasabing ipinatawag umano ng Pangulong Benigno Aquino III ang kalihim sa Malacañang sa harap ng mga reklamo laban sa kagawaran nito.

Binanggit din sa naturang report na hindi umano kontento ang Pangulo sa performance ni De Jesus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply