DPWH sinisi ng mayor sa pagbaha

SINISI ni Navotas Mayor John Ray Tiangco ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa matinding baha na nararanasan sa kanyang lungsod.

Ayon kay Tiangco, ang DPWH ang responsable sa pagbabara ng drainage systyem ng lungsod dahil umano ang lupa at semento ng mga proyekto ng DPWH ang tinatangay ng tubig-ulan ang bumabara sa mga kanal na nagreresulta sa pagbaha.

Dahil dito, lumulubog ang mabababang lugar sa Navotas, partikular ang Road 10.

Hindi rin umano lulubha ang mga pagbaha kung natapos agad ng DPWH ang Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) flood control project.

Sinagot naman DPWH ang isyu at sinabing dalawang porsiyento na lamang at matatapos na ang proyekto na pinondohan ng pamahalaan at Japan Bank for International Cooperation.

Kapag nakumpleto na ito ay ipapasa na sa Metro Manila Development Authority ang operasyon ng nabanggit na flood control project.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply