Dr. Jose Rizal inspirasyon ng PNoy administration

INSPIRASYON ng Aquino government ang naging buhay ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ito ang mensahe ng Pangulong Benigno Aquino III sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani sa Calamba, Laguna.

Sa kanyang talumpati, inisa-isa ng Chief Executive ang mga kaganapan sa buhay ni Jose Rizal.

“Kung tutuusin, maaari sanang nag-aral na lang, nagtrabaho at nagpakasal sa magandang asawa si Rizal pero pinili niyang ialay ang buhay para sa bayan. Puwede rin sanang nakipagplastikan na lamang si Rizal sa mga prayle at nakisama tuwing may pagtitipon pero pinili nitong magpakatotoo at isulat ang paghihimagsik laban sa mga manlulupig,” ayon sa Pangulong Aquino.

Kaya ayon sa pangulo, tulad ni Rizal ay tatahakin din ng administrasyon ang tuwid na landas sa harap ng sangang daan, gaano man kahirap o kasalimuot.

Habang iniisa-isa ng pangulo ang ginagawang reporma tulad sa ARMM at sa sektor ng edukasyon ay naantala ang speech ng Pangulo nang biglang nagsisigaw ang limang kabataan bilang protesta sa anila’y walang pagbabago sa Aquino administration.

Alerto naman ang  PNP at Presidential Secuirity Group dahil agad na nilapitan ng mga ito ang limang raliyista at dinala palayo sa entablado.

Bukod sa lightning rally, nabulabog din ang talumpati ni PNoy sa malakas na ringtone mula sa isang guest sa stage.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong  Aquino ang pagpapasinaya sa pinakamalaking bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna kaninang umaga.

Bahagi pa rin ito ng pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani ng Pilipinas.

Nag-alay din  ng bulaklak ang Pangulong Aquino  at nanguna sa pagwagayway sa watawat ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply