Drayber ng dyip inutas ng bagets

TODAS ang isang 34-anyos na jeepney driver matapos itong barilin ng isa sa lasing na grupo ng kabataan nang masagi ng side mirror ng kanyang minamanehong dyip kahapon, Hunyo 4, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima na si Enrico Terible, ng 392 A. Mabini St., Caloocan City.

Sa report ni PO2 Jayson Ibasco at SPO2 Virgo Villareal, dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng Flying V gasoline station sa Juan Luna at Laguna St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Terible ang kanyang pampasaherong dyip (TXF-911) na may biyaheng Sangandaan-Pajo Divisoria patungong north bound kasama ang kaibigan na si Milky Pancho.

Isang grupo naman ng kabataang pawang mga lasing ang nakasalubong ng biktima kung saan isa dito ay nasagi ng side mirror sa braso ng minamaneHong dyip ng biktima.

Ikinagalit ng salarin ang nangyari at agad na nagbunot ng pengun na nakasukbit sa beywang nito at walang sabi-sabing pinaputukan sa leeg ang biktima.

Nang makita ng suspek na duguan na ang biktima ay saka tumakas at sumakay sa dyip na may biyaheng Ilaya.

Isinugod pa sa Ospital ng Tondo ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang isnasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply