Drilon supalpal kay Escudero sa ARMM bill

SINUPALPAL ni Sen. Chiz Escudero ang pahayag ni Sen. Franklin Drilon na unconstitutional ang RA 9333 ang batas na nagtatakda ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agusto 8.

Sina Drilon na may-akda ng panukalang magpapaliban ng halalan sa ARMM at Escudero ay kilalang kaalyado ng Pangulong Noynoy Aquino.

Tahasang sinabi ni Escudero na walang karapatan si Drilon kahit pa ng buong Senado na ideklarang unconstitutional ang RA 9333 dahil tanging ang Korte Suprema lamang ang makakapagsabi kung labag o hindi sa Konstitusyon ang isang umiiral na batas.

“It’s not for any individual senators its not even for senate and congress to declare a law cast to be unconstitutional under the constitutions its only the supreme court to empowered not even individual or single justice but entire court who can declare a law to be unconstitutional,” ayon kay Escudero.

Una nang iginiit ni Drilon na ang enabling law na RA 9333 ay labag sa mandato ng Konstitusyon na nagsasabing dapat i-synchronize ang local at national elections.

Si Escudero ay nagpahayag na ng kanyang pagtutol sa panukala na ipagpaliban ang August elections sa ARMM kasabay ng pagtalaga ng mga OIC na pansamantalang mamamahala hanggang 2013.

Binigyang diin ni Escudero na ang repormang pinangangalandakan ng Malacañang na ipatutupad sa ARMM ay maaring magagawa kahit pa ituloy ang halalan sa rehiyon sa Agusto 8.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply