Driver binoga sa Tondo

ISANG jeepney driver ang itinumba ng isang grupo ng kabataan sa Tondo makaraang barilin ito habang nagmamaneho.

Dakong 4:00 ng medaling-araw nang barilin ang biktima na si Enrico Erible, 34, at residente ng Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sumakay ang isa sa mga suspek at pinaabangan sa mga kagrupo nito. Pagdating sa Juan Luna St. ay saka ito binaril.

Agad na dinala sa Ospital ng Tondo ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Kaagad nagsagawa ng follow up operation ang mga kapulisan para sa ikadarakip ng mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply