Driver na ‘di magbibigay ng student/elderly discount binalaan ng LTFRB

BINALAAN ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan na posibleng masuspinde ng ahensiya ang prangkisa ng kanilang sasakyan sakaling mapatunayang ayaw magbigay ng discount sa mga pasahero nilang mag-aaral at senior citizens.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Manuel Iway, 20 percent discount ang dapat ibigay ng mga pampasaherong sasakyan sa nabanggit.

Sa ngayon P8.00 ang minimum na pasahe sa jeep at P1.60 ang 20 percent nito kaya mangangahulugan anya na P6.40 lamang ang pasahe sa jeep ng mga elderly at mga mag-aaral.

Sa pampasaherong bus aniya na hindi aircon ay P8.00 lamang ang dapat singilin na paahe sa mga estudyante at elderly.

Ang discount sa mga mag-aaral ay mula preschool hanggang college gayundin sa mga mag-aaral sa technical-vocational courses.

Niliwanag ni Iway na sa unang offense ang multa ay P2,000, P3,000 sa second offense at sa third offense ay P5,000 at suspendido ang prangkisa ng 60 araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply