Driver nakatulog: van nahulog sa bangin

TINATAYANG 15 katao ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus at magliyab ito nang makatulog ang driver nito.

Base sa paunang imbestigasyon, sinubukang gisingin ng babaeng pasahero ang nakaidlip na driver at pilit na kinontrol ang manibela ng van subalit huli na ang lahat nang mahulog ito sa bangin.

Ayon pa sa report, naganap ang insidente bandang alas-dos ng kahapon, Hunyo 21, sa Sitio Tugop, Barangay Babag II, Cebu City.

Tinulungan umano ng mga tao sa naturang barangay na maapula ang nagliliyab na nahulog na van at saka kinuha ang mga sugatang pasahero kung saan isinugod agad sa Cebu Doctors’ Hospital gamit ang truck na pagmamay-ari ng nasabing barangay.

Nabatid na ang Hyundai Vista van (GWH 294) ay minamaneho at pagmamay-ari ng ni Rustom Tundag na may lulan na 14 na pasahero.

Ang mga sugatang pasahero ay kinilalang sila Eldebrando Pandayogdog, 17; Johnrey Alpas, 16; Franklin Badili, 23; Claerol Ehalaga, 17; Robelyn Enot, 16; Higinita Bitoon, 42; Danilo Anggo, 50; Almark Alasco, 17; Lynmae Bendebel, 18; Anna Lea Manloloyo, 40; Charito Glodove, 36; Melvin Anggo, 50; Mustapha Umpar, 30; at Judymae Rosales, 25.

Nakiusap naman ang mga kaanak ng mga biktima na sagutin ang gastuhin sa hospital ng mga naaksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply