Driver patay sa lasing

TIGOK ang isang driver matapos pagsasaksakin ng lasing sa harap ng pinapasukan ng una sa Caloocan City Linggo ng gabi, Hunyo 12.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital (TGH) sanhi ng mga saksak sa katawan si Erther Palingcod, 24, ng Tatalon, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Benny Getalado, nasa hustong gulang, ng Tenejeros, Malabon City.

Sa ulat, dakong 8:45 p.m. ay nasa harap ng pinapasukan na Grand East Empire ang biktima nang lapitan ng lasing na salarin at walang salitang pinagsasaksak.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman sa TGH ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo ni Getalado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply