‘Drug Abuse Resistance Education’ inilunsad ng PNP, DDB

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) Calabarzon sa pakikipagtulungan sa Dangerous Drugs Board (DDB) ang pinalakas na Drug Abuse Resistance Education (DARE) program sa Calamba City, Laguna.

Ang programa ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na makilala at mahadlangan ang impluwensiya ng adiksiyon sa tabako, alcohol at iba pang uri ng mga ipinagbabawal na droga.

Kasabay ng selebrasyon ng ika-150 kaarawan ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, isang kasunduan ang nilagdaan nila PCSupt. Gil. C. Meneses, acting regional director ng PNP Calabarzon at Usec. Edgar C. Galvante (Ret.) executive director ng DDB habang naging saksi ang kinatawan ng Department of Education (DepEd).

Ang MOA signing ang naging hudyat ng paglulunsad ng programa na isinagawa sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Calamba City na dinaluhan din ng iba pang police commissioned at non-commissioned officers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply