Drug pusher swak sa rehas

ARESTADO ang isang tattoo artist matapos makuhanan ng iba’t ibang uri ng droga tulad ng marijuana at cocaine matapos ang isinagawang buy-bust operation ng tropa ng Quezon City Police District Anti-Illegal drugs sa lungsod, ayon sa ulat.

Kinilala ni Chief Insp. Richard Ang, hepe ng QCPD-DAID-special Operation Task Group, ang suspect na si Vincent Andrew Velasquez, 30, ng # 3132 BLPC Brgy. Pag-asa sa lungsod.

Ayon kay Ang, isinalang na sa inquest proceedings ang suspect sa sala ni city fiscal Marie Ester Vedana, sa kasong possesion of illegal drugs section 5 at section 11 ng Republic act 9165.

Sinabi pa ni Ang isinagawa ang buy bust operation kay Velasquez bunga ng impormasyong kanilang natanggap hingil sa pagtutulak nito ng droga, sa naturang lugar.

Sa ulat ni PO2 Rolando Alieger Jr., may-hawak ng kaso, ganap na alas 8 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation sa may kahabaan ng BLPC sa Brgy. Pagasa.

Sa pamamagitan ng poseur buyer na si PO1 Roy Bermudez ay nakipag-transakyon ito kay Velasquez na bibili ng droga sa halagang P50,000.

Nagkasundo ang dalawa na magkikita sa nasabing lugar kung saan sakay ng kanyang Toyota Mark 2 ang suspect ay nakipagpalitan ito ng item sa naturang pulis kung saan ito inaresto at nakuha sa kanya ang 19.43 gramo ng cocaine.

Nang siyasatin ang sasakyan ni Velesquez ay nakarekober pa ang mga awtoridad ng 488.62 grams ng marijuana, karagdagang 2.90 grams ng cocaine at 26 na piraso ng valium.

Dagdag ni Ang, ang nakuhang ibidensya ay siya nilang ginamit para sa pagsasampa ng kaso laban kay Velasquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply