Drug summit ilulunsad ng PNP, PDEA

PANGUNGUNAHAN ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Drug Summit bago magtapos ang 2011 sa Cagayan Valley Region.

Sa nasabing summit ay pag-uusapan kung paano mareresolba ang problema sa iligal na droga sa rehiyon.

Matatandaang noong 2010 ay inirekomenda ni Quirino Gov. Junie Cua, pangulo ng Regional Peace and Order Council (RPOC), na balak ng konseho ang pagsasagawa ng regional drug summit dahil malaking banta sa kaayusan at katahimikan ng isang lugar ang presensya ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Subalit dahil sa kawalan ng pondo ipinagpaliban nila ito.

Ayon kay Director Juvenal Azurin ng PDEA 2, ilan sa mga pag-uusapan ay ang sistemang dapat gawin upang lalo pang malabanan ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa rehiyon at maiangat ang kamalayan at kaalaman ng mga kabataan, maging ang mga opisyal ng barangay, tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply