Dump truck kinarnap sa Tondo

NAITAKAS ng isang carjacking syndicate ang isang mini dump truck na nakaparada sa tabi ng kalsada sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya.

Nabatid na hapon kahapon, Miyerkules nang magtungo sa tanggapan ni Chief Insp. Joie Yape, hepe ng  Manila Police District- Anti-Carnapping and Hijacking unit, si Joel Musa Abidan, 33, ng 1280 Sunlight Muzon, San Jose del Monte, Buiacan, matapos tangayin ang minamanehong dump truck na asul (PNQ-699).

Lumalabas na 4:45 ng hapon nang sakyan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasabing sasakyan na nakaparada sa tabi ng bangketa sa panulukan ng Earnshaw at Cavite St., sa Tondo.

Sa salaysay ni Musa, nakatulog umano siya sa bubungan ng kanilang barracks at ilang sandali pa ay narinig niya na lamang na umandar ang makina ng sasakyan.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply