Dyango, Bata panalo agad sa WPA World 9 Ball sa Doha

NAGPARAMDAM agad ng lakas sina reigning World Pool-Billiard Association (WPA) World 9-ball champion Francisco “Django” Bustamante at former World 9-ball at 8-ball champion Efren “Bata”  matapos manaig sa kani-kanilang katunggali sa opening round ng 2011 World Pool-Billiard Association (WPA) World 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar ,  Sabado ng gabi.

Si Bustamante, mula Puyat Sports ni sportsman/businessman Aristeo
“Putch” Puyat ay malakas na binuksan ang kanyang kampanya kay countryman Caneda Villamor, 9-7, sa Group D.

Habang si Reyes, na taga-Puyat Sports din ay nagtala naman ng come
from behind victory kontra kay  Mark Gray ng Great Britain, 9-8, sa
Group A.

Nakauna agad ang Tarlac cue master sa 5-2 commanding lead bago
makabalik ang unheralded Villamor na tinapyas ang kalamangan sa 6-5 sa
race-to-9, alternate break format.

Naging madikitan ang laban ng dalawa sa kalahating oras na tumbukan
kung saan ay nakopo ni Bustamante ang 8-7 lead na nagdesisyon si
Villamor ng safety battle.  Bagama’t isang safety play, tinira ni
Bustamante ang 6 ball tungo sa 9 ball winning side pocket  victory.

“I tried to make that 9-ball,” sabi ni Bustamante kay American
billiard writer Ted Lerner. When asked if he was surprised at how good
his unknown opponent played the Hall of Famer responded: “Hey don’t
forget, he’s a Filipino. All Filipinos play good. I’m just happy to
win because now there’s not too much pressure.”

Bagamat dehado sa 6-2 sa kaagahan ng laro,  nagawa ni Reyes na
maitabla sa 7-7, tungo sa 8-7 lead mula sa break and run sa 15th
racks. Nakuha ni Reyes ang huling rack tungo sa  9-7 victory .

“I played OK,” sabi ni Reyes  “Two times I didn’t make a ball on the
break.” Tinanung kay Reyes kung makukuha ang second World 9-ball
title, at ito ang kanyang lintaya ; “I don’t know. This is very
difficult. Too many good players are here.”

Ang Filipino dynamic duo Bustamante at Reyes ay napunta sa winners
side of their group kung saan ay isang panalo na lamang tungo sa pag
usad sa knockout stage of 64. Ang 128 players ay hinati sa 16 groups
of 8, tungo sa double elimination format, race to 9, alternate Break.
Ang apat na qualifiers (2 mula sa winner’s brackets at 2 mula sa
loser’s brackets) ay uusad sa final round of 64 players na ipatutupad
ang single elimination, race to 11, alternate Break.  Ang final ay
race to 13, alternate break.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply