Egay mananalasa sa Isabela, Cagayan ngayong hapon

NAGBABALA ang PAGASA sa paparating na bagyo mamayang 1:00 ng hapon, Hunyo, Hunyo 19 na magla-landfall sa Isabela at Cagayan.

Batay sa pahayag ni forecaster Sonny Pajarilla, huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 170 kilometro sa silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora kung saan taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis lamang na 17 kilometro bawat oras.

Nakataas na ngayon ang signal number 1 sa 15 na kinabibilangan ng: Polillo Island, Quezon Province, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Isabela, Cagayan, Calayan group of Islands, Babuyan group of Islands, Kalinga, Abra, Apayao at Ilocos Norte.

Bukas ng umaga, ang bagyong Egay ay tinatayang nasa 50 kilometro sa hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan, habang sa martes naman ay inaasahang ito’y makakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply