‘Egay’ nakalabas na, ‘Falcon’ darating pa

NAKALABAS na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Egay”, ngunit may nagbabanata nanamang bagong sama ng panahon na parating.

Ito ang pahayag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, may mga kalat-kalat na pag-ulan pa rin, partikular sa kanlurang bahagi ng Luzon, Metro Manila at Visayas, ngunit buntot na lamang ito ng bagyong Egay.

Pinag-ibayo umano ng bagyong Egay ang hanging habagat.

Huling naitala ang lokasyon ng bagyo sa layong 250 kilometro sa hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras kaya itinaas ang storm signal no. 1 sa Calayan, Babuyan Group of Islands, Batanes Group of Islands at Ilocos Norte.

Gayunpaman, posibleng magkasalubong si Egay at ang bagong low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao na kung magiging bagyo ay pangangalanang Falcon.

Sa ulat, ngayong araw ng Martes o bukas ng madaling araw, Miyerkules, darating si Falcon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, hindi pa ganap na bagyo si Falcon, ngunit malaki ang posibilidad na bagyo na ito pagpasok sa PAR.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply