‘Egay’ napanatili ang lakas

HABANG kumikilos patungong Hilagang-Kanluran, napanatili ng bagyong Egay ang lakas nito, ayon sa Philippine Atmosphreic, Geophysical and Astronomical Services Administartion (Pagasa).

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 300 kilometro sa Silangan ng Surigao City Biyernes ng alas-diyes ng umaga.

Ito ay may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Tinutumbok nito ang direksyon pa-Hilagang Kanluran na may bilis na 13 kilometro kada oras.

Bukas, Sabado, inaasahan ang bagyong Egay na nasa 170 kilometro ng Silangan Hilagang-Silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Sa Linggo naman ng umaga, inaashan ang bagyo sa 100 kilometro sa Silangan Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes habang sa Lunes ng umaga naman ay nasa 180 kilometro ng Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Dagdag pa ng Pagasa, pag-iibayuhin ni Egay ang hanging habagat na siyang magdudulot ng mga pag-ulan sa Mindanao at Eastern Visayas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply