Nag-aahenteng tauhan ng DPWH sisibakin

BINALAAN ni Public Works Secretary Rogelio L. Singson ang mga opisyal at empleyado ng ahensya na nag-aahente para sa mga kontraktor ng mga proyekto na siya ring nangongolekta para sa mga ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Singson, isang taon na ring ginagawa ito sa ilalim ng kanyang panunungkulan ng mga opisyal at empleyado na matitigas ang ulo at hindi pabor sa kanyang ginagawang reporma sa ahensya.

Sa pagkadismaya ay ipinahayag ng kalihim na maghanap na lang ng ibang trabaho ang mga ito kaysa mapaalis pa sa DPWH.

Ang mga nag-aahente sa mga kontraktor na hindi pinangalanan ni Singson ay daig pa umano ang mga tunay na kontratista kung umasta.

Kahit umano sa pagsingil ng mga tseke sa gobyerno ay talo pa ang mga may-ari ng mga kumpanya.

Ang masama nito, ayon kay Singson, ay kung may makitang diperensya ang DPWH sa mga proyekto ay may padrino sila at nasasakripisyo ang mga proyekto na nauuwi sa “pwede na” kahit may kaunting kamalian sa implementasyon.

Pinasalamatan naman ni Singson ang mga empleyadong matuwid at gumagawa ng tama at kabutihan at interes ng publiko ang nakapangyayari sa mga ito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply