Empleyado ng QC hall arestado sa rape

SHOOT sa kulungan ang isang empleyado ng Quezon City hall matapos arestuhin dahil sa kasong rape, Miyekules ng umaga.

Kinilala ang dinakip na si Ricky Briones, clerk II sa City Treasurer ng Quezon City.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District City Hall Detachment, dinakip ang suspek dakong 9:00 ng umaga kanina sa compound ng QC City Hall Diliman, QC .

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roslyn M. Rabara-Tria ng QCRTC Branch 94.

Sinabi sa ulat na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa akusado dahil umano sa hindi pagdalo sa kanyang hearing sa kasong rape.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply