Employee ng DAR nagsuicide sa taxi

WALA ng buhay nang maabutan sa loob ng taxi ang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakabase sa Negros Occidental matapos magpakamatay sa loob ng sasakyan.

Ang biktima ay nakilalang si Edwardo Balino, may asawa, ng Barangay Anoring, Sara, Iloilo.

Sinabi ni Insp. Ronnie Brillo, hepe ng Barotac Nuevo Municipal Police Station, wala ng buhay nang makita sa loob ng taxi ang biktima na nagtamo ng sugat sa leeg at kamay.

Inihayag naman ng taxi driver na si Roger Gallero y Tanaleon, 40, residente ng Barangay Bubog, Sibunag, Guimaras, dakong ala-sais kahapon ng umaga ng magpahatid sa kanya ang biktima mula sa Tagbak Terminal sa Jaro, Iloilo City patungo sa Barotac Viejo, Iloilo.

Habang nasa kahabaan na umano sila ng highway sa Barangay Monpon, Barotac Nuevo, biglang inagaw sa kanya ng biktima ang manibela ng sasakyan at tinangkang ibangga ang taxi sa nakasalubong na bus, ngunit kanya itong natabig at naagaw ang manibela.

Kaagad umano niyang inihinto ang sasakyan at iniwan ang biktima sa loob matapos makitang may kinuha ito sa kanyang bag.

Nang kanilang binalikan, duguan na si Balino at wala ng buhay.

Sa ngayon hindi pa matiyak ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply