Engineer na dinukot ng ‘ASG’ pinalaya na

TULUYAN nang pinakawalan ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dinukot na Cebuano engineer sa Barangay Bulanting, Tipo-tipo, Basilan, sa ulat ng militar Linggo, Hunyo 19.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police Regional Office director, Chief Supt. Bienvenido Latag, ganap na pinalaya na ang biktimang si Engr. Vergilio Fernandez.

Si Fernandez ay empleyado ng Mace Construction Company, isang private road contructor sa bayan ng Tuburan at Akbar.

Nilinaw naman ng mga opisyal na dahil sa matinding military pressure ang nagsilbing dahilan kaya napilitan ang bandidong grupo na abandonahin ang kanilang bihag at bunga rin umano ng isinagawang rescue operations.

Una na ring kinililala ng mga awtoridad ang mga dumukot kay Fernandez na sina Musana at Muhmin, kilalalang follower ni Abu Sayyaf leader Nurhassan Jamiri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply