Engineer dinukot ng Abu Sayyaf

ISANG engineer ang inulat na dinukot ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf Biyernes ng hapon sa lungsod ng Lamitan sa Basilan.

Kinilala ng report na nakarating sa Philippine National Police (PNP) Command Operation Center ang biktima na si Virgilio Fernandez, na umano’y puwersahang tinangay ng mga armadong kalalakihan bandang 3:30 ng hapon.

Ayon sa pahayag ni Chief Supt. Bienvenido Latag,  hepe ng pulisya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMMJ), naganap ang abduction sa may Sitio Libi, Barangay Bulanting ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi sa media, isang pangkat ng mga hinihinalang ASG na na pinamumunuan ng isang Mosama Jamiri ang tumangay kay Fernandez.

Ayon pa kay Latag, matapos na iparating sa kanila ang sumbong ay isang “hot-pursuit operation” ang agad nilang ikinasa kasama ang mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mailigtas ang biktima subalit hindi na nilang nagawang abutan pa ang pangkat.

Magugunitang isa pang biktima ng kidnapping na kinasasangkutan ng 16-anyos na si Nico Sebastian ang tinatangkang resolbahin ng mga awtoridad matapos na magbanta ang mga bandidong may hawak dito na pupugutan ng ulo ang bihag oras na hindi magbayad ng ransom ang pamilya nito. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply