EO para sa pagtatalaga ng OIC sa ARMM bubuuin

LILIKHA ng executive order si Sen. Franklin Drilon na isusumite kay Pangulong Benigno Aquino hinggil sa pagbubuo ng screening committee na sasala sa itatagalang officer–in-charge sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Drilon, may isang probisyon sa ARMM law na kailangan magkaroon ng isang screening committee na siyang magrerekomenda kay Pangulong Aquino sa mga OICs sa pakikipagkonsultasyon sa ilang sektor kabilang ang liderato ng Kongreso.

Kabibilangan ang screening committee ng 15 miyembro at Kailangan may kinatawan ang bawat lalawigan at lungsod sa ARMM.

Sinabi pa ni Drilon na kailangan magpanukala  ang komite ng tatlong nominado sa bawat bakanteng posisyon sa ARMM regional government at mangyayari ang pagbabakante sa pagtatapos ng termino ng kasalukuyang opisyal sa Setyembre 30, 2011.

Ipinaliwanag  ni Drilon na maraming kontroberisyal ang lumutang sa naturang probisyon upang matiyak na magkakaroon ng lantad ang proseso ng konsultasyon sa ARMM na kakatawanin ng mas maraming sektor hangga’t maaari.

Susuriin ng screening committee ang nominado sa 24 miyembro ng regional assembly, isa para sa posisyon ng bise gobernador at gobernador.

Kabilang sa magiging miyembro ng komite ang kinatawan mula sa iba’t ibang sektor  sa ARMM tulad ng ethnolinguistic, geographical, sectoral, educational at cultural sector bialng mga salik sa pagpili ng komite.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply