Epira law ipinarerebisa

MARIING iginiit ng grupong Freedom from Debt Coalition (FDC) na magkaroon ng masusing pagrerrebisa sa Electric Power Industry Reform Act (Epira) dahil hindi umano nito nasunod ang ipinangakong magiging kapaki-pakinabang ito sa mga mamamayan.

“The Epira is a failure. It failed to fulfill its promises to the consumers and the economy. Instead of making our lives better, Epira makes our lives harsher and harder,” ayon kay FDC secretary-general Milo Tanchuling.

Bago ipinasa ang naturang batas, ipinangako nito na magkakaroon ng kuryente ang lahat ng barangay sa bansa subalit, ani Tanchuling, marami pa ring mga barangay ang wala pang kuryente matapos maipasa ang batas isang dekada na ang nakakaraan.

Nagkaroon ng summit ang mga kinikilalang stakeholders ng Epira na nilahukan ng 200 katao, kabilang ang mga representante ng electric cooperatives ng buong bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply