Erap idadamay sa Dacer-Corbito case, De lima sinopla ni JV Ejercito

SINOPLA ni San Juan Rep. JV Ejercito si Justice Secretary Leila de Lima dahil sa pagpaparamdam nito na maaaring ipatawag sa imbestigasyon ng 2000 Dacer-Corbito double murder ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Tahasang sinabi ni Ejercito na “his father has no killer instinct” at pinayuhan nito si de Lima na tantanan na ang kanilang pamilya.

“That is so unlikely, so out of character of President Estrada to be involved in such a crime,” ayon kay  Ejercito.

Giit pa ng kongresista na hindi dapat gamitin ng kalihim ang pamilya Estrada upang palutangin ang kanyang pangalan para sa ambisyong politika nito sa 2013.

Naunang inihayag ni De Lima na ipatatawag sa imbestigasyon ng Department of Justice si dating Pangulong Estrada kung titibay ang ebidensya na siya ang binabanggit na “Bigote” sa testimonya ni dating police senior superintendent Cezar Mancao II.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagdududa si Ejercito na maaaring may kasunduan na sa pagitan nina Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III at Senador Panfilo “Ping” Lacson upang magturo na lamang kung sino ang palalabasing may sala sa krimen.

“There might be a deal between Lacson and the administration to point to someone else so that Lacson gets off the hook. Especially that a lot of Lacson’s people were given juicy positions,” ayon kay Ejercito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply