Eskuwela sa Montalban wala pa ring kuryente

BAKA hindi pa ninyo alam, DepEd Sec. Armin Luistro na hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente sa Kasiglahan Elementary School sa Montalban, Rizal.

Nagsisimula na ang  pasukan ng mga bata sa kanilang eskuwelahan pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente sa nasabing eskuwelahan?

Puro K+12 Program yata ang inuuna ni Sec. Luistro at binabalewala niya ang gamit na kuryente sa   eskuwelahan.

Kaya tuloy nagkakasemplang-semplang ang performance rating ni Pangulong Noynoy Aquino ay dahil na rin sa mga palpak na programa gaya ng K+12 Program ni Sec. Armin.

Basahin ninyo, Mr. Sec. Luistro ang nilalaman ng reklamo ng mga magulang.

Gandang hapon, Sir Johnny. Ako ay si Mrs. Dimaano, taga-Kasiglahan Vill., Brgy. San Jose, Montalban, Rizal.

Nais ko lang idulog sa inyo ang problema ng iskul dito sa amin. Ang tagal nang walang kuryente rito sa Kasiglahan Elementary School sa Phase1-A.

Kawawa naman ang mga estudyante rito. Ang alam namin ay may utang sila sa kuryente pero nagpalit na ng meyor hindi pa rin nagkakaroon ng kuryente. Isa rin kasi sa mga nag-aaral diyan ang anak ko. Naawa ako sa mga mag-aaral. Sana maipaabot ninyo kay DepEd Sec. Luistro at Mayor Hernandez ang problema.

TONG COLLECTION CENTRALIZED

Patuloy pa rin na hinaharas at pinupuwersa ni Maj. Agbunag ng S2 ng Batangas-PNP ang mga iligalista ng nasabing lalawigan. Pilit pa ring pinapa-centralize ni Agbunag ang tong collection sa lahat ng kailigalan sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Agbunag, mas maganda at smooth pag centralized ang bigayan ng tong collection. Sa halip na isa-isang bibigyan ng mga ‘lord of lords’ ang mga chief of police, ang  PD ang siyang magpaparte.

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply