Estudyante nanaksak ng 2 kaklase sa Maynila

DALAWANG mag-aaral ang nasa malubhang kalagayan makaraang saksakin ng isang 15-anyos na estudyante sa loob ng isang paaralan sa Maynila, Biyernes ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang dalawang biktima na pawang nagtamo ng malalalim na saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon, inamin ng suspek na itinago sa pangalang “Edgar” na nagawa niyang saktan ang dalawang biktima nang ipagtanggol ang sarili matapos saklolohan ang kanyang kapatid na unang binugbog ng mga biktima.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Villamor High School administration kung paano nakapapasok sa loob ng kanilang paaralan ang patalim na ginamit sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply