European ‘drug mule’ sinampahan ng kaso

SINAMPAHAN na sa Manila Regional Trial Court (MRTC) ng Manila Prosecutor’s Office (MPO) ng kaso ang kauna-unahang European “drug mule” na nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI), kamakailan sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Kinasuhan sa Manila RTC ng kasong paglabag sa batas ukol sa iligal na droga base sa rekomendasyon ni Assistant City Prosecutor Raul Humillo, si Barbara Ewa Ziontkowska, 38, isang Polish national na diumano’y miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS).

Nabatid na naaresto ng NBI-Reaction Arrest and Interdiction Division ang suspek na may dalang tatlong kilo ng shabu, na naipasa sa isang Indonesian national na si Media Aprideri.

Si Aprideri ay nahuli ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo.

Ayon kay NBI-RAID chief Ross Galicia, ang shabung dala ni Ziontknowka ay nagkakahalaga ng P17 milyon.

Nalaman na nasubaybayan ang isang “Fredy,” lider ng WADS, na bumibiyahe mula sa Dublin, Ireland kasama ang suspek upang kunin sana ang 3.26 kilos ng shabu mula kay Aprideri.

Si Aprideri ay pinagpanggap ng NBI na may sakit  kaya hindi ito makakatuloy sa Malaysia at Indonesia.

Sinabi ni Galicia na dahil nabuko ang modus ng sindikato, tinigilan muna ang paggamit sa bansa bilang transit point ng droga at nagbago ng diskarte.

Nabatid na nakaaresto na ang NBI ng 15 dayuhang drug mule sa loob ng limang buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply